AWIT BULILIT (CHILDREN'S SONGS)
ANG PIPIT
I
May pumukol sa pipit
Sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato
Ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit
Hindi na kaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog
Ngunit parang taong bumigkas.
II
Mamang kay lupit
Ang puso mo'y di na nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak.
(ULITIN 2X ANG II)
Sa Maybahay Ang Aming Bati
Sa maybahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
Koro:
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perhuwisyo
Pasensya na kayo pagka't kami'y
namamasko
repeat all